#THROWBACK 2014 THE GMA NEWS AND PUBLIC AFFAIRS YEAREND SPECIALDecember 27, 2014
12/26/2014 07:18:00 AM
Ilang araw na lang, papasok na ang taong 2015. Pero bago tayo mag-fast forward at mag-goodbye sa taong 2014, balikan ang newsmakers at noisemakers na nagtrending, umani ng maraming likes at comments hindi lang sa social media kundi maging sa publiko.
Nasaksihan ngayong taon kung paano nakatulong ang Closed Circuit Television o CCTV cameras sa pagresolba ng iba’t ibang krimen sa bansa. Maraming netizen ang nagngitngit nang malaman ang sinapit ng 11-buwang gulang na batang ginahasa at pinatay sa San Juan City. Ginamit ding ebidensya ang CCTV sa mga kaso ng pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro at sa hazing victim na si Guillo Servando.
Ang pinoy politics ngayong taon, puno ng mga isyu at kontrobersya. Nagpatuloy ang imbestigasyon sa mga umano’y sangkot sa pork barrel scam. At maging ang Disbursement Acceleration Program o DAP ni Pangulong Noynoy Aquino, naging mainit na usapin. Nandyan din ang mga akusasyong korapsyon sa ilan pang matataas na opisyal ng bansa.
Panatiko ring sinubaybayan ng marami ang mga maiinit na kaganapan sa sports lalo na’t muli na namang naitaas ang bandila ng Pilipinas sa larangan ng boxing, archery, figure skating at basketball.
2014 ang taon din ng showbiz wedding proposals. Kanya-kanyang gimik ang mga sikat sa pag-pop ng magic question na “Will you marry me?”. Nanguna na rito ang Kapuso Royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sinundan ito ng isa pang power couple na sina Senador Chiz Escudero at Kapuso Actress Heart Evangelista.
Lahat ng iyan at iba pang maiinit na trending na kaganapan, abangan sa #Throwback 2014, the GMA News and Public Affairs Yearend Special, ngayong Sabado na, 8:30 pm, pagkatapos ng Magpakailanman, sa GMA 7.
0 comments